Tuesday, March 1, 2011

Bakit Nga Ba?

Bakit nga ba kapag nakakarinig ng labsong, eh nadadala lagi ang damdamin? Nasu-sweetan ako sa kanila. Nae-encourage (answered prayer ka Ate Cecil! Hehe). Nai-inspire.


Kinilig (talagang kinilig?) ako dun sa status ng dati kong boss (Ms. Lalai). Nakakatuwa talaga ang mga mag-asawa. Sa kanila ko nakikita ang isang salamin ng pag-ibig ng Panginoon. Kung tutuusin, kaya nag-aasawa ang isang lalaki at isang babae ay dahil hindi na nila maisip pa ang araw na mawawala ang pag-ibig nila sa isa't isa. Tulad ng pag-ibig ng Panginoon.


The LORD appeared to us in the past, saying: "I have loved you with an everlasting love; I have drawn you with loving-kindness. Jeremiah 31:3 NIV


Ganito ang pananaw ko sa pag-ibig. Kahit noon pa. Kaya nga sobra akong nasaktan noon. Kasi hindi ko matanggap na nagmaliw ang pag-ibig niya (haha ang lalim naman!). Kaya pala ganun nalang ang hinagpis ko, kasi, bago pa ko nagmahal ng tao, nalaman kong minamahal ako ng Diyos. Nalungkot ako kasi yung taong nagmahal sakin ay hindi sumalamin sa pag-ibig ng Diyos sa akin. Kaya ayun. Ano pa ba ang aasahan kong kalalabasan?


Ang Pag-ibig na tinalikuran ko, iyon din ang Pag-ibig na sumagip sakin. Tinulungan Niya kong makaahon, at hinilom Niya ang mga sugat ng puso ko. Tinanggal Niya ang mga luha ko sa gabi (woooo). Tinanggal Niya ang galit. Unti-unti, binuwag Niya ang pader na tinayo ko sa paligid ng puso ko. Higit sa lahat, hindi Niya ako hinusgahan.


But he was pierced for our transgressions,
   he was crushed for our iniquities;
the punishment that brought us peace was on him,
   and by his wounds we are healed.
Isaiah 53:5 NIV


May Isang nagpapako sa krus. Inako Niya ang lahat ng parusa at kasalanan ng mundo. Isang napakahiwagang biyaya, na kahit habambuhay nating pag-aralan, hindi natin maiintindihan nang lubos.


Siguro (sigurado!), maiintindihan lang natin ito kapag nakita na natin Siya: ang mukha Niya, at ang buong lawak ng pag-ibig Niya.


Ang Diyos na nagmamahal ay ang Diyos na nagpapatawad. Masayang-masaya ang puso ko dahil nakilala ko ang Diyos na ito.


Kaya naman, bakit nakakatuwa tignan ang mga mag-asawa? Ay, hindi ko pa ba nasasagot? He he he.