Monday, August 23, 2010

Dahil wala akong ma-post...!

Hello, ako si Shel. Theziel Mae Bonuel Gomez ang full name ko. Oh diba ang taray. Combination sya ng pangalan ng Tatay (Niel) at Nanay (Thez) ko. Oh kayo na mag-combine.

I was a research assistant here in our (malamang) company. Within a month, I became the Executive Assistant. Bakit? Siguro kasi dahil dun sa market research na ginawa ko. At, mahirap mang paniwalaan, dahil narin sa natawa ang boss ko (Presidente ng kumpanya) dahil sumasagot daw ako. I mean, lumalaban kumbaga, at hindi nahihiyang magsalita.

But above everything else, I was blessed with this position because of God's grace. His gracious provision lead me to this career. It's not because I prayed for it. It's not because I was passionately giving my tithes. It's all because God is faithful, and He keeps His Word for the sake of His glory.

(kapag sinipag na ko, ikukwento ko ang buhay ko sa sangkatauhan hehe)

Sa ngayon, I'm enjoying my single life (nagka-boypren na ko for 2 years pero kumalas ako pagkatapos ng 2 years na pakikipag-debate sa Lord na kaya ko syang maakay).

Hindi pa ko ready sa lablayp. Ayoko pa. Kahit pa magpatirapa ka sa harapan ko para magpapansin, AYOKO NA MUNA. Gusto ko muna mag-grow sa Lord, at magkaroon ng mas intimate pa na relasyon sa Kanya. Although may isang tao na 6 years ko nang crush (at parang higit pa don), wala namang pag-asa yon hahaha! Basta, alam ng friends ko kung bakit (kasi pare-pareho kami ng tadhana).

Ayan. Wala na akong makwento. Gustuhin ko mang ikwento ang recent troubles ng puso ko, tsaka na lang. Alam mo kung bakit? Kasi malapit na ko umuwi ng bahay.

5 comments:

Ate Shel said...

hay this is so crappy.. di ako marunong maglagay ng humor sa blog ayayayay... :( pang-emo nalang talaga ang write-ups koooooo.

Fickle Cattle said...

Hahaha. It's not so bad. Keep blogging and see you around! :-)

http://ficklecattle.blogspot.com/

Ate Shel said...

hey, thanks for your comment. uplifting? hay sige na nga. hehe yeah see you around :)

Pepita said...

xielle, 6 years? 6 years na ba? hehehe

Ate Shel said...

oo 6 years na! hahaha! 6 years na tayong fluctuating ang pag-ibig para kay...