Monday, September 6, 2010

wag muna daw, sabi Niya

Ilang beses na ba akong nagkamali? ilang beses na ba akong nagmadali? lahat ng desisyon kong walang kasamang prayer ay palpak. sakit, diba? parang sinipa ang pagkalaki-laki mong EGO.

sa tingin nyo ba, pagkatapos ng isang palpak, di ko na sinundan? haha. masasabi kong higit pa ako sa isang tipikal na mangingibig: nagkamali na ng isang beses, inulit pa. inulit-ulit pa...

tingin nyo ba, liability ko na ang pagiging hopeful? ang pagiging determined to get what i want? dati, hindi ko alam ang sagot. pero nung isang beses, nagdebate kami ni Lord. Anti-katangahan Siya. Pro naman ako.

ang Motion: pwede mong patanggapin ang boypren mong hindi Kristiyano, para maging 'legal' kayo.

syempre ang lola nyo, naghanda ng malupet na Split. maraming arguments. mas matindi ang rebuttals. akala nyo ba nanalo ako? alam kong alam ninyong hindi. he he he...

talo ka pag nakipag-debate ka sa Lord. hindi dahil sa Diyos Siya, at ikaw ay tao. hindi rin dahil sa tao ka lang at Siya ay Diyos.

when i debated with Him, i questioned His power. i questioned His goodness. i questioned His plans for me (which are, prosperous, harmless, full of hope in the future, Jer. 29:11). i questioned His Son's death and resurrection.

matigas kasi ang ulo ko noon. i look highly of myself back then. isa akong matalinong tao. ubod ng talino. yun ang nasa kukote ko noon. kaya i can make irrational things rational. i can validate fallacies. i can prove the nonexistent. i can be someone that is not really me. i can twist the truth.

to the point na i refused God's power to work in my life.

it was idiotic.

but when it was God's turn already, nasupalpal ako. sino nga ba ako para magtanong? hindi naman sa minamaliit ko naman ang sarili ko this time, pero ang point is, sino ako, ako na wala namang ginawang tama, ako na walang sinunod kundi sarili kong mga desisyon--- sino ako para magtanong kung bakit nagkakaganito ang buhay ko?

unti-unti, itinama Niya ang utak ko. ibinaba Niya ako, para matutunan kong tumingala sa Kanya, at humingi ng tulong. unti-unti, para akong malansang isdang kinaliskisan ng mga mapagmahal na mga Kamay.

tinuruan Niya akong mahalin Siya, for the sole reason na minahal Niya muna ako. kahit nung maruming marumi ako. kahit nung ang sama-sama ko. His love cleansed away all my impurities.

hindi pa ako perpekto ngayon (sa langit pa yon). sa ngayon, He is preparing me to get there, soon.

at pagdating naman sa hintayan, marunong na ako dyan! :D mabuti ang Lord, at nagtitiwala ako sa maganda Niyang plano. Ibibigay Niya ang para sakin, sa tama at perpektong panahon.

and that makes me love Him even more.

para ngang ayoko na mag-asawa eh... joke.


He has made everything beautiful in its time. - Ecclesiastes 3:11

No comments: