naalala ko si Joshua Harris. Nung nagkagusto sya sa isang churchmate (bago pa si shannon), at nalaman nyang may iba na pala yung girl. nagkulong sya sa office nya. hindi pa nakuntento, nagkulong sya sa cupboard nya, at dun sya umiyak.
nasaktan sya.
ang sabi nya sa Lord, "Ito ang kalooban mo. naiiyak ako kasi alam kong kahit sa lovelife ko, Ikaw ang may hawak. kaya kalooban Mo talaga na hindi sya ang makasama ko sa buhay ko. salamat, Lord, sa kabutihan Mo."
hay.
nung una, hindi ko to maintindihan. nasaktan na, pero sinabing kalooban parin ni Lord yun. diba hindi naman kalooban ni Lord na masaktan ang tao?
hay.
alam kong hindi. kaya i prayed.
"Lord, show me your ways."
eto ang sagot.
For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways, saith the LORD.
For as the heavens are higher than the earth, so are my ways higher than your ways, and my thoughts than your thoughts. - Isaiah 55:8-9
hay. supalpal na naman ako.
madalas, may mga plano tayo na akala natin, ok sa Lord. kasi hindi naman masama ang hangarin. kasi wala namang tinapakang tao. kasi hindi naman lumalabag sa Bible. we may have good motives and reasons, but that does not mean it is the will of God already. God said, His ways are higher than ours: we may come clean in His presence, but we can never exceed beyond His grace.
may mahalagang itinuro sa akin ang Lord today. wag akong gumawa ng sarili kong plano, without submitting it first to the Lord. kaya ang lablayp, hay, wag na kasi pagplanuhan. hayaan na si Lord ang magpadala, sa tamang panahon.
salamat, Lord, sa mga pagtatama mo sa buhay ko. as i humble down before Your power, and as i wait on You with hope, take delight in me, my God, my Savior.
Let us hold unswervingly to the hope we profess, for He who promised is faithful. - Hebrews 10:23 NIV
No comments:
Post a Comment