di ko pa man naiisip, alam na Niya.
pag ako ay humingi, ibinibigay Niya.
pag hiniling kong dumalaw Siya, tutulo na ang luha ko.
ang Lord ko. may-akda ng pag-ibig. at ang pag-ibig Niya ay ako :)
araw-araw, walang palya ang pagkamangha ko sa Kanya.
naalala ko, dati, nagdadasal lang ako pag may kailangan ako sa Kanya (pera, pagkain, boypren, load). dati, umiiyak lang ako sa Kanya pag may kasalanan akong nagawa (nagbulakbol, gumasta, lumamon, nahibang).
ngayon, hindi naman ako perpekto. pero masasabi kong nag-improve ang pakikitungo ko sa Lord ko.
utang ko sa Kanya ang buhay ko.
ang bagong pag-asa.
ang magandang future.
mapagmahal na mga magulang.
isang bagong layunin sa buhay...
tama ang kaibigan kong si Lai, hindi kayang ipaliwanag ng isang tao ang intimacy niya sa Diyos.
mananatiling hiwaga.
unless ma-experience mo mismo.
iba kasi eh. pag ang relasyon mo sa Diyos, higit pa sa pagiging Diyos Niya. sabi pa nga, God will work on your life based on how you know Him. kung ang Diyos, ay sa tingin mo, nasa langit lang, nakatingin sayo, nag-uutos ng mga anghel para tabihan ka.. ganun lang Siya talaga.
sa buong buhay ko, my Lord has shown me His every facet. His every nature. and with my faith, He works on my life, according to my knowledge of Him.
how will you know God? read the Bible. pray. sing songs for Him. develop a desire to seek Him with all your heart.
at pag na-capture Niya ang attention mo, He's irresistable. just like your charming lolo. just like your bunsong kapatid. just like a lover (He is more than that!). just like a best friend. :)
si Lord. aking sumbungan. aking diary. aking Walang Hanggang Mangingibig. ang aking best friend. ang aking Provider (sahod, load, ulam sa gabi). Healer (esp sa heartbreak). Diyos. Maylikha sa akin.
korny man, wala akong pakialam. nakita ko na ang hangganan ng bahaghari, nang nakilala ko Siya.
No comments:
Post a Comment