kung noon lang to, matagal na akong nahibang...
isang gabi, napansin ko sya. at nung mga sumunod na araw, lagi ko na syang nakikita. kung noon lang to, kung ano-ano nang bagay ang sumapi sa isip ko. siguro ubod na ng sidhi ang paghanga ko sa kanya. ganon ako noon. walang kontrol sa damdamin. lahat binubuhusan ng maling pag-asa. lahat ay kumpirmado based on assumptions. buti nalang, ang Lord ay mabiyaya sa karunungan, kapag ikaw ay humingi.
"Ask, and it shall be given you; seek, and ye shall find; knock, and it shall be opened unto you:" Matthew 7:7
nung napapansing kong gabi-gabi ko na sya napapanaginipan, aba'y nanalanangin ako sa Panginoon. sabi ko, "Lord, naglevel-up yata itong damdamin ko. paki-check naman po. alisin mo po ito kung hindi ito galing sa Iyo. ayoko nito kung hindi Ikaw ang nagbigay nito."
inalis naman Niya ang taong ito sa isip ko. hindi nawala, pero kinontrol ito ng Lord.
pagkalipas ng ilang linggo, napapansin ko na ang pagiging visible niya lagi sa perspective ng mga mata ko. aba, nagpapapansin ba ito? hanggang ngayon ay hindi ko alam. muli, isinuko ko ang lahat sa Lord.
"salamat sa wisdom na ibinuhos Mo sa buhay ko. alam kong nasa Kamay mo ang buhay ko, pati ang future ko. i trust in You alone. as for me, i will continue to serve You. let Your will be done."
ilang araw ulit. maraming beses. maraming pagkakataon. dapat nagkausap na kami. pero hindi nangyayari. it's either ayaw PA ni Lord, o ayaw TALAGA Niya. i may not know now, but my God is in control. i am not worrying. i am not anxious. i am not afraid.
i am patiently waiting.
"But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, longsuffering, gentleness, goodness, faith,
Meekness, temperance: " Galatians 5:22
sabi pa ng mga pastor, kaya hinuli ang 'temperance' o self-control, ay dahil ito ang pinakamahirap magawa ng tao. it's easy to love: we Pinoys love loving other people. peace is a natural desire of an individual. longsuffering or patience: hinubog tayo ng mga Kastila (at siguro'y niloob narin ng Lord) para maging matiisin (yun nga lang, naaabuso tayo). gentleness: mahirap din ito, dahil ang tao ay kadalasang nagpapadala sa kasidhian ng damdamin! goodness: it has become an idol to most people. we do goodness, but we thought we could be saved by it alone. faith (we have this also, but most people have the dead one). meekness is napakahirap, dahil Sigmund Freud justified PRIDE as natural (EGO) in humans.
huling-huli talaga ang self-control. ang Lord naman diba, napakaraming trial ang pinapadala. bakit? para makuha mo ang lahat ng bunga ng Kanyang Espiritu. para maging totoo tayong mga anak Niya. dahil yung mga bunga na yan, yan ang ugali ng Diyos. at dahil tayo ay kaisa na Niya (read whole chapter 6 of Romans), dapat maging ka-ugali narin natin Siya. we become Christ-like. at ang grace na ito ay may power, dahil ito ay nagkabisa sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus. at si Hesus (the Lover of my soul) ay ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao (John 1:14), at ang salita ng Diyos ay makapangyarihan (Hebrews 4:12)!
hay ginanahan na naman ako. kung tungkol kay Lord ang usapan, para bang hindi ako nauubusan ng sasabihin (salamat, Lord).
balik tayo sa wisdom :)
ayun nga. pag guided ka ng wisdom ng Lord, di ka magkakamali. di ka matatakot. kaya naman, steady lang ako. ipinaubaya ko na sa Lord ang pagsusulat ng love story ko. alam kong maganda ang kalalabasan nun.
i know that God has already restored me in this area.
"Be still, and know that I am God:" Psalm 46:10
2 comments:
Napaka-madamdaming salaysay ng isang taong umiibig. Ngunit mas lalong kahanga-hanga na nasa sentro pa din si LORD sa iyong buhay pag-ibig. Alam kong nasa tamang daan ka lamang. Mabuhay ka!
salamat, at sana nakakatulong ako sa mga nakakapagbasa ng mga sulat ko :) iyon naman ang dahilan kaya ginagawa ko to: para sa mga taong gusto kong mapalapit sa Kanya (huwaw, hanlalim!) God bless!
Post a Comment